“Ganyan talaga ang buhay, walang permanenteng takbo, o kasiguruhan. Minsan, darating na lang ang mga taong di natin inaasahan sa buhay, mamahalin at hanap-hanapin. Ngunit hindi ito magtatagal; aalis din sila dahil hahanapin din nila ang mga sarili, o ang mga pagbabago na dapat gawin, o ang mga posibilidad na magbibigay kahulugan sa mga buhay nila. At dahil mahal, hahayaan natin silang lumipad at makalaya kumbaga, magtagumpay, lumigaya... sa kabila ng sakit na maaaring idudulot nito at ng pagbabago...”